Nagbigti kalansay na nang madiskubre

ANDA, Pangasinan – Isang kalansay ng tao ang nadiskubre sa Barangay Awile sa Anda, Pangasinan.

Batay sa impormasyong tinanggap, kinilala ang kalansay na si Reynante Cas, 35, ng Bgy. Awile, na iniulat na nawawala noon pang Hulyo 2015.

Nagkalat din sa lugar ang ID, cell phone, tsinelas at rosaryo ni Cas, gayundin ang lubid na nakatali sa puno na pinaniniwalaang ginamit nito sa pagbibigti.

Probinsya

64-anyos, natagpuang patay sa dalampasigan sa Samar

Nasa tagong bahagi ang puno, kaya naman ngayon lang nadiskubre ang bangkay ni Cas ng isang nangunguha ng kabute sa lugar. (Liezle Basa Iñigo)