INAANYAYAHAN ng 2016 Metro Manila Film Festival (MMFF) committee ang lahat ng creative at innovative na mga Pinoy upang sumali sa MMFF Logo Design and Theme Song Making competitions at masayang inihayag na may pagkakataong manalo ng hanggang P50,000.00, isang Sony tablet, at all-access passes sa lahat ng mga pelikulang kalahok sa MMFF ang mananalo. 

Para sa MMFF Logo Design competition, maaaring magsumite ang mga kalahok ng hanggang dalawang logo entries na pasok sa MMFF Executive Committee criteria: concept (40%), originality (30%), at relevance (30%). Ang logo entries, na dapat ay nasa vector format, ay kailangang ipadala kasama ang registration form sa [email protected]. Ang magwawagi sa MMFF Logo Design competition ay tatanggap ng P20,000, all-access passes para sa dalawang tao sa lahat ng mga pelikulang kalahok sa MMFF, at isang Sony tablet. 

Para naman sa MMFF Theme Song Making competition, maaaring magsumite ang mga kalahok ng hanggang tatlong entry na nasa MP3 format.  Kailangang 3-5 minuto ang haba ng song entries, sinulat sa Ingles o Pilipino, at kailangan ding pasok sa selection criteria ng committee: musicality (30%), lyrics (30%), originality (30%), at impact (10%).

Kailangang ipadala ang song entries kasama ang lyrics nito (sa Word format) at ang registration form sa [email protected]. Ang magwawagi sa MMFF Theme Song Making competition ay tatanggap ng Php50,000.00, all-access passespara sa dalawa sa lahat ng mga pelikulang kalahok sa MMFF, at isang Sony tablet. 

Blind Item

Content creator, 'di kinaya ugali ng dating Sang'gre sa concert ng BINI: 'Pipi na ba kayo?'

Ang mga magwawagi sa logo design at theme song making competitions ay ipapahayag sa Setyembre 12 at ipo-post ang kanilang pangalan sa lahat ng mga opisyal na social media platforms ng MMFF. 

Sa unang bahagi ng taong ito, may malalaking pagbabagong ipinatupad ang MMFF kasabay ng inirepormang board of directors at nagtayo ng bagong selection criterion para sa future entries. Ang bagong season ng MMFF ay magsisimula sa logo design at theme song making competitions bilang pagbabagong-himig para sa pinakahihintay na taunang event sa bansa ngayong Disyembre.  

Ang deadline ng submission para sa entries ay sa Agosto 31. Para sa full contest mechanics, bisitahin ang www.mmff.com.ph at i-like ang MMFF Facebook page: www.facebook.com/mmffofficial.