Magtatayo ang Manila City government ng mga libreng charging station para sa mga electric tricycle (e-trike) na magsisimula nang mamamasada sa Setyembre.

Nakipag-ugnayan na si Manila Mayor Joseph “Erap” Estrada sa Manila Electric Company (Meralco) kaugnay sa itatayong charging stations na libreng magagamit ng e-trike drivers sa lungsod.

Sa ilalim ng e-trike project na ilulunsad sa Setyembre 15, mamahahagi ang pamahalaang lungsod ng 384 na e-trike na magiging pag-aari ng mga driver sa loob ng limang taon sa ilalim ng “boundary-hulog” scheme.

Nagkakahalaga ng P380,000 bawat isa, ang e-trike ay pinatatakbo ng baterya na tsina-charge ng apat hanggang limang oras. Kaya nitong magsakay ng hanggang pitong pasahero at tumatakbo sa bilis na 40-45 kilometro bawat oras.

Events

'No reunion for us!' Andrea, Sheree sinegundahan si Katya tungkol sa Viva Hot Babes reunion

Tulad ng regular na traysikel, bibigyan din ito ng prangkisa ng Tricycle Regulatory Office at papasada sa tourist belt area tulad ng Malate, Luneta, Ermita, Chinatown, Binondo, Intramuros at Quiapo. - Mary Ann Santiago