BERLIN (AP) — Isang lalaking Swiss ang nagpasimula ng apoy at nanaksak ng mga tao sa isang tren sa hilagang silangan ng Switzerland, na ikinasugat ng anim na indibidwal kabilang siya.

Ayon sa pulisya sa estado ng St. Gallen, nangyari ang insidente dakong 2:20 local time (1220 GMT) nitong Sabado ng hapon habang papalapit ang tren sa istasyon sa Salez, malapit sa hangganan ng Liechtenstein.

Ayon kay Police spokesman Bruno Metzger, ang 27-anyos na suspek ay armado ng patalim at flammable liquid na ibinuhos nito sa isang babaeng pasahero at kaagad nagliyab.

Kabilang sa mga nasugatan ang isang 6-anyos na bata, tatlong babae na may edad 17, 34 at 43, at dalawang lalaki na may edad 17 at 50. Ilan sa mga nasugatan ay nasa malubhang kalagayan.

Internasyonal

Mahigit 40 unggoy, nakatakas sa isang research compound sa South Carolina

Iniimbestigahan ng pulisya ang motibo ng suspek.