Ang masarap na inuman ay nauwi sa madugong eksena matapos pagbabarilin hanggang sa mapatay ang dating Malabon city councilor ng mga hindi kilalang armado nitong Sabado ng gabi.

Dumalo si Eddie Nolasco, 62, sa birthday party ng kanyang kaibigan sa Barangay Potrero, Malabon nang sumulpot ang anim na armado na lulan ng motorsiklo, dakong 9:30 ng gabi.

Anim na tama ng bala ng baril ang tinamo ni Nolasco na naging sanhi ng agaran niyang pagkamatay. Habang nadaplisan naman ng bala ang tatlong kainuman ni Nolasco na sina Ding Sotto, Michael Santos at Kid Ng, matapos umanong atakihin ng mga monoblock ang mga suspek.

Ayon sa mga kamag-anak ni Nolasco, matagal nang may pagbabanta sa buhay ng dating councilor ngunit binabalewala lang nito at sinabing posibleng may kinalaman sa pulitika ang pamamaril dahil plano umano uli ng biktima na tumakbo sa darating na eleksyon. (JEL SANTOS)

'May milyonaryo ulit!' Lone bettor, wagi ng ₱15M sa Super Lotto 6/49!