Ni REMY UMEREZ

TAUN-TAON ay may espesyal na pagdiriwang sa RJ Bistro bilang paggunita sa araw ng pagpanaw ng King of Rock n’ Roll na si Elvis Presley.

Sa August 18, inanyayahan ni Ramon “RJ” Jacinto ang sampung Elvis impressionists mula sa iba’t ibang bansa upang muling buhayin ang mga walang kamatayang awitin ni Elvis.

Ilan lamang sa mga magtatanghal sina Douglas Masuda ng Japan, Eddie Lombardo ng Italy, Sam Ampin ng History Channel at, Johnny Thompson ng Las Vegas . Si Johnny ang itinuturing na the best impressionist ng Hari ng Rock n’ Roll.

Tsika at Intriga

'Mga waste dapat pina-flush sa CR!' Toni Gonzaga, unbothered sa 'power couple' blind item

Pumayag ding magtanghal si Chito Bertol, ang original Elvis Presley ng Pilipinas.

Tiyak na isang gabi ito na punong-puno ng kasayahan na hindi mapalalampas ng die-hard fans ni Elvis Presley.

Si Elvis ay isa sa pinakamalaking pangalan sa music industry na nilagpasan ang kasikatan ng The Beatles noong dekada 60. Hanggang ngayon ay bumebenta ang kanyang recording albums. Matagumpay din niyang pinasok ang pelikula. Classic nang itinuturing ang kanyang awiting Love Me Tender na naging pamagat din ng una niyang pelikula sa Twentieth Century Fox. Naging controversial si Elvis dahil sa kanyang naiibang body movement habang kumakanta.

Yumao si Elvis sanhi ng diumano’y drugs overdose.