BATANGAS CITY – Isang umano’y kabilang sa drug watchlist ng pulisya ang pinatay ng hindi nakilalang suspek sa Batangas City.

Ayon sa report ng Batangas City Police Provincial Office (BPPO), dakong 5:30 ng hapon nitong Biyernes at naglalakad si Joel Briones, 33, tricycle driver, taga-Barangay San Jose Sico, sa Bgy. Sta. Clara nang pagbabarilin ito.

Matapos barilin sa ulo, tumakas ang dalawang suspek na nakasuot ng itim na jacket at helmet, sakay sa pulang motorsiklo. (Lyka Manalo)

Probinsya

6-anyos na batang babae, patay matapos makuryente sa charger ng cellphone