Pope Franci, left, sits during his visit to the Papa Giovanni XXIII community in Rome, Friday, Aug. 12, 2016. Francis has met with 20 women from six countries who have been freed from prostitution as part of his Holy Year of Mercy activities focusing on communities that have experienced suffering. (L'Osservatore Romano/Pool Photo via AP)VATICAN CITY (AP) — Nakipagkita si Pope Francis sa 20 kababaihan mula sa anim na bansa na nakalaya sa prostitusyon bilang bahagi ng kanyang mga aktibidad sa Holy Year of Mercy na nakatuon sa mga komunidad na nakaranas ng paghihirap.

Sinabi ng Vatican na ang pagkikita noong Biyernes ay isang panawagan para labanan ang human trafficking, na inilarawan ng santo papa na “an open wound on the body of contemporary society, a scourge upon the body of Christ.”

Ayon sa Vatican, dumanas ang mga babae, ang average age ay tinatayang nasa 30, ng pisikal na karahasan at ngayon ay kinakalinga sa Papa Giovanni XXIII community sa Rome. Nagmula sila sa Romania, Albania, Nigeria, Tunisia, Italy at Ukraine.

“All of the women were the victims of severe physical abuse during their ordeal and are living under protection,” ayon sa Vatican.

'Iconic women!' Pinakamalaki at pinakamaliit na babae sa buong mundo, nagkita!

Inialay ng santo papa ang lahat ng Biyernes ng Holy Year sa mga naghihirap, kabilang na ang mga Syrian refugee sa isla ng Lesbos sa Greece at tahimik na nalangin sa dating death camp ng mga Nazi sa Auschwitz-Birkenau, Poland.