Bumitaw sa anti-drug war ni Pangulong Rodrigo Duterte ang Communist Party of the Philippines (CPP), dahil anti-people umano at hindi demokratiko ang nasabing kampanya.

Sa pahayag ng CPP, binigyang diin nito na nalalabag ang karapatang pantao sa kampanya ng Pangulo.

Tuloy pa rin naman umano ang operasyon ng New People’s Army (NPA) laban sa illegal drug trade operators at protectors, pero hindi na ito suporta sa Pangulo.

“Police officials have brazenly carried out summary killings against suspected drug peddlers and users. Hundreds have been killed while ‘resisting arrest’ or while under custody and detention, in police cars as well as in jails,” ayon sa pahayag.

Eleksyon

Archdiocese of Manila, hindi mag-eendorso ng kandidato sa eleksyon

Nagagamit lang umano ang kampanya ng pamahalaan sa extra-judicial killings. - Antonio L. Colina IV