Aabot sa P2.8 milyong halaga ng party drugs ang nasamsam sa isa umanong Filipino-Chinese na itinuturong big-time drug supplier sa mga bar at club sa Makati at Taguig City, sa ikinasang operasyon ng Southern Police District (SPD) nitong Sabado ng gabi.

Nasa kustodiya ng SPD headquarters sa Fort Bonifacio Taguig City ang suspek na si Emilio Lim, 36 at kanyang nobya na si Karen Bordador, isang disk jockey (DJ).

Agad ikinasa ng mga tauhan ng District Anti-Illegal Drugs (DAID) ang operasyon laban kay Lim matapos maaresto ang isa umanong Filpino-American na si Evan Reynald Baylon nitong Sabado ng madaling araw.

Inginuso umano ni Baylon si Lim bilang supplier ng party drugs at nakatakda umano itong kumuha ng droga sa huli kayat isinabay na ang entrapment operation sa mismong condominium unit ni Lim sa Pasig City.

'May milyonaryo ulit!' Lone bettor, wagi ng ₱15M sa Super Lotto 6/49!

Narekober sa loob ng unit ang iba’t ibang party drugs, 500 pirasong ecstacy pills at ilang sachet ng flavored marijuana na nagkakahalaga umano ng P2.8 milyon. (Bella Gamotea)