Nag-iingat lamang ang Bangladesh central bank na magkaroon ng idea ang mga banyagang salarin kayat hindi nito inilalabas ang findings ng imbestigasyon sa cyber theft ng $81 million mula sa account nito sa Federal Reserve Bank of New York.

Ito ang tugon ni Bangladesh Bank lawyer Ajmalul Hossain sa mga komento ng Rizal Commercial Banking Corp. (RCBC) na masyadong kabado ang central bank sa Dhaka sa paglabas ng mga ulat na maaaring magdadawit sa mga sarili nitong opisyal.

Mahigit anim na buwan na simula nang pasukin ng mga hacker ang computer systems ng Bangladesh central bank sa isa sa pinakamalaking cyber heist sa mundo.

Nawawala pa rin ang mahigit $81 million ng ninakaw na pera at hindi pa nakikilala ang mga salarin, ngunit pinapanagot ng Bangladesh Bank ang RCBC sa pagkawala ng pera. Nagpahayag ito na maaari nitong kasuhan ang RCBC kapag nabigo ang mga pagsisikap na mabawi ang pera.

Internasyonal

China, inalmahan maritime laws na pinirmahan ni PBBM

“Bangladesh Bank knows enough about what happened from the internal and external reports so far obtained by it and others,” sabi ni central bank lawyer Hossain sa Reuters noong Sabado ng gabi.

“This truth is being deliberately withheld from the public domain so as not to allow the foreign perpetrators of the hacking to have knowledge of the investigations.”

Kinuwestyon ng RCBC noong Hunyo ang desisyon ng Bangladesh Bank na huwag nang palawigin ang kontrata sa U.S. cyber security firm na FireEye para imbestigahan ang pagnanakaw noong Pebrero, sinabing maaaring malagay sa alanganin ang pagbawi sa pera kung mayroong tao sa loob ng central bank na responsable sa pagnanakaw.

Nagpahayag ang isang panel na itinalaga ng Bangladesh government noong Mayo na maaaring may sangkot na opisyal ng Bangladesh Bank sa pagnanakaw, ngunit hindi pa inilalabas ang ulat.

“That’s why I think a report is not forthcoming,” sabi ni Maria Celia Estavillo, legal and regulatory affairs head ng RCBC, sa Reuters.

“They should finish their investigation, they should find out what happened in Bangladesh, they should find out who is liable there, they should give a copy of that to the Philippines government. And if they are confident of the strength of their case, they should file a case in court.” - Reuters