JAKARTA, Indonesia (AP) – Humingi ng paumanhin ang operator ng pangunahing paliparan sa kabisera ng Indonesia sa mga pasahero dahil sa pagbaha sa bago nitong terminal matapos hindi kinaya ng drainage pipes ang ulan at pinasok ng tubig ang arrivals area noong Linggo.
Nagbukas ang $560 million terminal nitong nakaraang linggo lamang sa domestic flights ng national carrier na Garuda ngunit inuulan na ng reklamo tungkol sa kakulangan ng kahandaan nito.
Sinabi ng PT Angkasa Pura II, ang airport operator, na kontrolado na ang baha at iniimbestigahan na ang sanhi nito.