Dalawang lalaki na kapwa umano drug pusher ang napatay matapos makipagbarilan sa mga pulis sa magkahiwalay na operasyon sa Navotas City, noong Sabado ng gabi.

Kinilala ang mga suspek na sina Luridan Raymundo, 36, alyas “Buboy,” residente ng Ilang-Ilang St., Barangay North Bay Boulevard ng nasabing lungsod at isang alyas “Joel”.

Nagsagawa ng drug operation ang Police Community Precinct (PCP) 4 ng Navotas Police sa lugar ni Raymundo, dakong 7:00 ng gabi.

Nakatunog umano si Raymundo na pulis ang kanyang katransaksyon kayat kinuha umano nito ang kanyang sumpak at pinaputukan ang parak, ngunit hindi niya tinamaan at dito na pinagbabaril ng mga awtoridad si Raymundo.

Basta ma-expel din mga sangkot? Rep. Barzaga, tanggap expulsion sa isang kondisyon

Narekober sa suspek ang dalawang sachet na may lamang shabu.

Napatay naman si Joel nang manlaban umano sa mga pulis na nagsasagawa ng drug operation sa loob ng Market 3, Fish Port Complex sa Bgy. North Bay Boulevard, Navotas City, dakong 9:00 ng gabi.

Narekober sa suspek ang isang .38 caliber at shabu. (Orly L. Barcala)