RIO DE JANEIRO (AP) — Tinanghal si Bradley Wiggins ng cycling bilang ‘most decorated Olympian’ sa kasaysayan ng Great Britain.

Kasama ang kasanggang sina Ed Clancy, Steven Burke at Owain Doull, ginapi ng Great Britain ang Australia sa record-setting time sa team pursuit event para sa kabuuang walong gintong medalya para sa dating Tour de France champion.

Nalagpasan ni Wiggins ang pitong gintong medalya ng kababayang si track cyclist Chris Hoy at dalawang gintong medalya ang bentahe sa napagwagihan ng nagretirong rower na si Steve Redgrave.

“It was never about that for me,” pahayag ni Wiggins patungkol sa bagong marka na titingalain ng Briton athletes.

May cash incentives din; Karl Eldrew Yulo, tumanggap ng ₱500K mula kay Chavit!

“They’re my heroes in Olympic sport, and just to be in the same breath as those guys is an honor, really.”

Nailista ng Britain ang tyempong tatlong minuto at 50.265 segundo para burahin ang dating record na nitala nila sa semifinal round. Nakopo ng Australian team nina Alexander Edmondson, Jack Bobridge, Michael Hepburn at Sam Welsford ang silver medal sa oras na 3:1.008. Nakuha ng Denmark ang bronze medal.