Ni LITO MAÑAGO

SIYAM na independently produced films ang maglalaban-laban para sa coveted Balanghai trophies para sa 12th edition ng Cinemalaya Philippine Independent Film Festival na nagbukas nitong August 5 sa Cultural Center of the Philippines (CCP) at magtatapos ngayong araw.

Ramdam namin ang pananabik ng mga indie film lover sa muling pagbubukas ng 2016 Cinemalaya. Noong nakaraang taon, short films lang ang ipinalabas at ibinalik ngayong taon ang full-length category sa itinuturing na premiere indie film festival ng bansa.

Bukod sa napanood ito sa CCP theaters at piling Ayala Cinemas sa Metro Manila, dinala na rin ito sa Cebu City para magkaroon ng mas malawak na audience.

Tsika at Intriga

Marc Nelson, nagsalita matapos madawit sa legal battle nina Maggie Wilson-Victor Consunji

Ang siyam na pelikulang kasali sa kompetisyon (sa full length category) ay ang mga sumusunod: Pamilya Ordinaryo ni Eduardo Roy, Jr. at pinagbibidahan nina Ronwaldo Martin (kapatid ng Drama King at bida ng top-rating na Ang Probinsiyano na si Coco Martin) at Hasmine Killip; I America ni Ivan Andrew Payawal, topbilled by Bela Padilla; Mercury Is Mine sa direksyon ni Jason Paul Laxamana, pinagbibidahan nina Pokwang at Bret Jackson; Lando at Bugoy ni Victor Acedillo, Jr. at pinagbibidahan nina Allen Dizon at Gold Azeron.

Bahagi pa rin ng kompetisyon ang pelikulang Dagsin (Gravity) ni Renato Ignacio, Jr., at pinagbibidahan nina Tommy Abuel, Lotlot de Leon, Benjamin Alves at Janine Gutierrez; Tuos ni Roderick Cabrido at pinagbibidahan ito nina Nora Aunor at Barbie Forteza; Ang Bagong Pamilya Ni Poching nina Inna Miren Salazar Acuña at Dos Ocampo at pinagbibidahan ni Janus del Prado; Hiblang Abo (Strands of Gray) ni Ralston Jover, pingbibidahan ito nina Lou Veloso, Jun Urbano, Leo Rialp at Nanding Josef; at Kusina nina Cenon Obispo Palomares at David R. Corpuz at pinagbibidahan nina Judy Ann Santos, Joem Bascon at Luis Alandy.

Ngayon nakatakdang ganapin ang awards night. Maraming showbiz observers ang nagsasabi na sina La Aunor, Juday at Barbie ang frontrunners para sa Best Actress dahil sa mahusay nilang pagganap sa kani-kanilang role sa pelikula. Pero para sa amin, dark horse sa naturang kategorya ang bidang babae sa Pamilya Ordinaryo. Hasmine just nailed it bilang teenage mother na nakatira sa lansangan at nabubuhay sa pagnanakaw.

Sa Best Actor category, panalo sa amin ang epektibong pagganap bilang Aries (Pamilya Ordinaryo) ni Ronwaldo Martin. Napaka-raw ng akting niya bilang batang ama at animo’y isa rin siya sa mga batang lansangang nakatira sa isang sulok ng mabaho at magulong siyudad.

Mahusay rin si Allen (Dizon) sa Lando at Bugoy bilang 40-year old high school drop-out at lapida-maker. Not to miss, ‘yung galing nina Lou (Veloso) at Nanding (Josep) on their twilight years sa Hiblang Abo.

We will see kung tutugma ang panlasa namin sa mga hurado ng festival na balita nami’y kinabibilangan ng former ABS-CBN top honcho na si Charo Santos- Concio, ace director Lav Diaz, topnotch filmmaker Jerrold Tarog at dalawa pang foreign juries.