United States' Jimmy Butler dunks the ball over Serbia's Stefan Jovic (24) during a basketball game at the 2016 Summer Olympics in Rio de Janeiro, Brazil, Friday, Aug. 12, 2016. (Elsa/Pool Photo via AP)RIO DE JANEIRO (AP) — Wala nang dapat ikagulat kung makatikim ng kabiguan ang all-NBA US basketball team sa Rio Olympics.

Nagbabago na ang level ng talento ng international basketball at ramdam na ito ng American superstars.

Matapos ang makapigil-hiningang desisyon laban sa Australia, muling nalagay sa balag ng alanganin ang US all-stars team bago naisalba ang matikas na hamon ng Serbia tungo sa 94-91 panalo nitong Biyernes (Sabado sa Manila).

Ito ang ika-49 sunod na panalo ng Americans sa international tournament, ngunit, taliwas sa inaasahan dumaan sila sa butas ng karayom bago manaig.

Human-Interest

ALAMIN: Pagbibigay ng 13th month pay sa mga empleyado, paano nagsimula?

Sumablay ang three-point shot ni Bogdan Bogdanovic para sa posibleng overtime at nakuha ni Kevin Durant ang rebound para masiguro ang ikaapat na sunod na panalo ng US sa Group A.

Nanguna si Kyrie Irving sa US sa naiskor na 15 puntos, habang nag-ambag sina Durant at Carmelo Anthony ng tig-12 puntos.

Hataw si Nikola Jokic sa natipang 25 puntos, habang kumana sina Milos Teodosic at Miloslav Raduljica ng tig-18 puntos para sa Serbs, bumagsak sa 1-3 karta sa Carioca Arena.

Ang duwelo ang unang paghaharap ng dalawang bansa sa Olympics at rematch sa 2014 Basketball World Cup championship na pinagwagian ng US, 129-92.

Tatapusin ng US ang preliminary round play kontra France sa Linggo (Lunes sa Manila).