Arestado ang umano’y “Batang City Jail” gang member na huli sa aktong pasimpleng nagpuslit ng damit sa isang mall sa Quiapo, Maynila.

Kitang-kita umano ng guwardiya ng SM Quiapo na si Julieto Congson ang pagpuslit ni Nelson Golimlim, 49, ng dalawang pulang polo shirt na nagkakahalaga ng P849.75 at light blue/white polo shirt na nagkakahalaga ng P600.

Sinusubukan pa umanong itago ni Golimlim ang mga ninakaw na damit sa kanyang pantalon habang nagtutungo sa C. Palaca Exit nang hindi nagbabayad sa counter.

Hindi na nagdalawang-isip pa si Congson na harangin ang suspek nang mabigo itong ipakita ang resibo.

Diokno rumesbak sa pambabastos ng Chinese officials kina Pangilinan, Tarriela, De Lima

Kasalukuyang nasa kustodiya ng Police Station 3 si Golimlim habang inihahanda ni PO3 Julio Espiritu, Jr., case investigator, ang kasong theft laban sa una. - Jaimie Rose R. Aberia