Nakipaghatian sa puntos si Philippine No.1 Woman International Master (WIM) Janelle Mae Frayna sa kapwa WIM na si Dinara Dordzhieva ng Russia upang manatili sa liderato ng ginaganap na World Junior Chess Championships (Boys and Girls) sa KIIT University sa Bhubaneswar, India.

Tinanggap ng 9 seed at 19-anyos graduating Psychology student sa Far Eastern University at may ELO rating na 2292 ang alok na draw ng 8 seed at may 2304 ranking na si Dordzhieva matapos ang 41 moves ng Modern English opening.

Bunga ng draw, nanatili sa liderato si Frayna na nasa Under 20 at si Dordzhieva na nasa Under 18 kapwa bitbit ang 4.5 puntos para sa una at ikalawang puwesto.

Nagwagi naman sa kanyang laban ang kasalukuyang National Junior girls Champion na si Woman FIDE Master Shania Mae Mendoza (ELO 2191) kontra kay Anysia Thomas (2049) ng France upang mapaangat ang puwesto sa 43rd hanggang 52nd place sa naipon nito na kabuuang 1.1/5 puntos.

'Pikon daw?' UAAP fan na nag-dirty finger, agaw-eksena sa San Juan Arena!

Tinalo rin ni International Master Paolo Bersamina (ELO 2402) sa kampanya nito sa Boy’s division si Srivatshav P. Rahul ng India (ELO 2280) para makapagtipon ng kabuuang 3 puntos at makipag-agawan sa 18 to 36 place sa Swiss System format na may 13 round na torneo. - Angie Oredo