Handa na ang lahat para sa pinakamalaking eksibisyon at bentahan ng mga batang tinale sa bansa – ang Fiestag 2016 na gaganapin sa Agosto 19, 20, at 21 sa World Trade Center – sa Diosdado Macapagal Blvd. Pasay, Metro Manila.
Ang taunang kaganapan na handog ng International Federation of Gamefowl Breeders (FIGBA), ay pagsasama-sama sa isang bubong sa loob ng tatlong araw ng mga malalaking kabahagi sa larangan ng pagpapalahi nang sasabungin-manok na kinabibilangan ng mga kumpanya ng feeds at veterinary medicine, mga gamefowl breeders, mga gamit sa manukan at iba pa.
Isa sa mga pangunahing kalahok ng Fiestag ang Thunderbird Power Feeds at Thunderbird Powervet na muling inaasahan na magpapasigla ng kaganapan sa pamamgitan ng kanilang mga tagapagtaguyod na siyang mga pinagpipitagan sa larangan ng sabong sa Pilipinas.
Magbabahagi ng kanilang mga palahi sa Thunderbrid Avenue sina World champion Engr. Sonny Lagon, Rey Briones, Dicky Lim, Marcu del Rosario, Boy Marzo, Engr. Sonnie Magtibay, Paolo Malvar, Gov. Eddiebong Plaza, Joey Sy, Ampy Tari Shop, Sabongnation, TJT Cocking Academy at Lance dela Torre.
Tampok sa tatlong araw na palabas ang stage show ng Thunderbird sa Agosto 19 at ang pinakahihintay na Thunderbird Heroes of the Pit Extreme seminar sa Agosto 20 tungkol sa Advanced Breeding and Guarding Your Farm Against NCD.
Ang mga tagapagasalita ay sina Ali Flores, DVM; Paolo Reyes, DVM; Joey Sy at Lance dela Torre.