ANG PSG ay kilala ng lahat bilang Presidential Security Group o ang pangunahing ahensya na may tungkuling protektahan ang Presidente ng Republika ng Pilipinas.
Gayunman, sa pangunahing pang-agrikulturang Barangay Pawili sa Pili, kabiserang lungsod ng Camarines Sur, may ibang kahulugan ang PSG. Nangangahulugan ang PSG ng Parents Support Group, ang adbokasiya ng development organization na Plan International Philippines, na nagbibigay sa mga bata ng ibang klase ng seguridad.
Naniniwala ang humanitarian, child-centered group na walang religious, political, o government affiliation, na mahalaga ang support mechanism para matiyak na napoprotektahan ang kapakanan ng mga bata sa Camarines Sur.
Ang PSG sa Pawili, na sinimulan ng mga miyembro ng komunidad, ay nag-umpisa ng may apat na miyembro noong 2013 at lumaki sa ngayon ay 40 aktibong miyembro.
Ang pagtiyak na tama ang paggabay at pagdisiplina sa mga bata na hindi humahantong sa “physical contact or degrading punishment” na maaaring magdulot ng hindi magandang asal o hindi pagsunod ng mga bata, ay ang pangunahing adbokasiya ng PSG, na bahagi ng positive discipline program ng Plan.
Sinabi ni Jayson P. Lozano, project manager ng programa, na itinataguyod ng PSG ang “positive and non-violent” forms of providing discipline to children.” Aniya, ipinagbabawal ng support group ang “corporal punishment” at “all forms of degrading and humiliating punishment of children in all setting.”
Ang corporal punishment ay maaaring verbal abuse, pananampal, paninipa, pananapak, o iba pang pisikal na aksiyon para mapasunod ang mga bata, dagdag niya.
Sinabi ni Lozano na nais ng Plan na makatulong na maitaguyod ang kapasidad at pangako sa “those responsible” para matiyak na natitiyak ang mga karapatan ng mga bata.
Sa “those responsible” tinutukoy niya rito ang parehong local at national government. Aniya, kasama nila ang Department of Education at Department of Social Welfare and Development sa trabaho nila sa “capacity-building” sa grassroots level.
Mayroon din mga proyekto sa food security ang PSG sa pamamagitan ng proyektong “Clean and Green” na ang bawat tahanan ay hinihimok na magkaroon ng taniman sa kanilang bakuran o kaya naman ay paghahayupan.
Bilang bahagi ng kanilang kapilas sa positive discipline program ng Plan International Philippines, gumawa ng mga plano ang mga opisyal ng barangay para magtayo ng panibagong day care center upang palawakin ang kanilang umiiral na pasilidad.
Sabi nila na may pitong sona ang barangay na ang bawat sona ay may mga panlibangang pasilidad na maaaring makapaglaro ng mga bata.
Mayroon ding programang pang-edukasyon ang nayon na nakakakuha ng dagdag suporta mula sa PSG.
Nagpapatupad din ang mga barangay official ng araw-araw na curfew program na ipinagbabawal ang mga bata na umikot-ikot sa kalye pagsapit ng 10:00 ng gabi hanggang 4:00 ng madaling araw. - PNA