Sa gitna ng kontrobersyang bumabalot sa libing ni dating Pangulong Ferdinand Marcos, nanawagan ang Catholic Educational Association of the Philippines (CEAP) na bigyan ito ng disenteng libing, hindi hero’s burial.

Sa statement ng CEAP na kinakatawan ng 1,425 member schools, colleges at universities, nanindigan ang mga ito sa kanilang panawagan na “justice to be the tie that binds us a nation.”

Sinuportahan din ng CEAP ang liham ng coalition group ‘Duyan ng Magiting’ kay Pangulong Rodrigo Duterte, kung saan iginigiit na naninindigan sila sa Martial Law victims at claimants-survivors na hindi pabor na mabigyan ng hero’s burial ang dating strongman.

Ang ‘Duyan ng Magiting’ ay kinabibilangan ng mga estudyante, guro, pari, madre, aktibista, good governance at human rights advocates.

Politics

Dalawang Tulfo brothers, nanguna sa survey ng senatorial race

Sinabi ng grupo na sa ‘bigat ng krimeng ginawa sa bayan’ ni Marcos, hindi umano magbubunsod ng pagkakaisa ang paghimlay sa kanya sa Libingan ng mga Bayani.

“We ask nothing that you have not already promised…justice, unity, and healing and a better Philippines as envisioned by the thousands who gave the ultimate sacrifice to restore the freedoms that we now enjoy,” ayon sa CEAP na una nang binanggit ng ‘Duyan ng Magiting’.

Samantala sinabi naman ni dating Interior and Local Government Secretary Rafael Alunan na may kasunduang nilagdaan ang gobyerno sa partido ng mga Marcos nang payagan ang pagbabalik ng labi ni Marcos sa bansa noong 1992.

Sa kasunduan, nakasaad na ang labi ni Marcos ay ililipad mula Hawaii, diretso sa Paoay, Ilocos Norte, bibigyan ito ng honors na para sa isang major ng Armed Forces of the Philippines (AFP), hindi ipaparada sa Metro Manila ang labi nito, at ang burial ay isasagawa sa Ilocos Norte at hindi sa Libingan ng mga Bayani.

Sinabi ni Alunan na ang kasunduan na nilagdaan nito at ni dating Cong. Roquito Ablan ay naka-archive ngayon sa Malacañang. - (Merlinda Hernando Malipot/ Aaron Recuenco)