Ni ADOR SALUTA

HINIRANG sina Cory Vidanes at Malou Santos, ABS-CBN Corporation chief operating officer of Broadcast at ABS-CBN chief operating officer of Star Creatives, ayon sa pagkakasunod, bilang dalawa sa Most Influential Filipina Women in the World (Global FWN100) ng Filipina Women’s Network. 

Ang Global FWN100 Award ay karangalang iginagawad sa 100 kababaihan na tubong Pilipinas at nakapagpabago ng pagpapatakbo sa tinatawag na “global workplace,” at naabot ang kanilang estado dahil sa kanilang kontribusyon sa lipunan. Napili sina Cory at Malou bilang ilan sa kapita-pitagang mga Pilipina mula sa iba’t ibang larangan sa iba’t ibang bahagi ng mundo. 

Napili si Vidanes sa Builders category. Ayon sa FWN, ang award ay iginagawad sa kababaihang Pilipino na nagpakita ng kakaibang impluwensiya sa isang malaking kumpanya at pagpapahalaga sa isang mithiin sa ngalan ng kanyang organisasyon, kasama na ang paggamit ng sariling talento at kakayahan, na nagdudulot ng kabutihan sa lipunan.

Blind Item

Content creator, 'di kinaya ugali ng dating Sang'gre sa concert ng BINI: 'Pipi na ba kayo?'

Dagdag ng komite ng FWN, ang kategoryang ito ay laan para mga lider na bumuo ng mas matibay na organisasyon o nakapagpatayong muli sa organisasyon na nagdaan sa mga pagsubok.

Napili naman si Malou Santos sa Founder at Pioneer category. Ayon sa FWN, ang parangal ay para sa kababaihang Pilipino na presidente o lider ng kumpanya  o community organization, non-profit, o anumang negosyo na kanilang inumpisahan at pinalaki. Ang award na ito ay para sa nagtayo at nagpasimuno ng inobasyon, makabagong mga proseso upang palaguin ang negosyo. 

Kabilang sa The Global FWN100 ang mga negosyante, mga nangunguna sa kanilang larangan sa edad na 35 at pababa, mga lider ng komunidad o gobyerno o mga executive na matagumpay na nanguna sa kanilang napiling industriya, hanggang maging bahagi ng matataas na posisyon sa malalaking organisasyon o ahensiya ng gobyerno. 

Ayon kay Josephine Romero, ang namumuno sa Global FWN100 Worldwide Search and Selection Committee, ang mga kababaihang ito ay nagbibigay inspirasyon sa ibang kababaihan para umangat rin sa posisyon sa lipunan bilang lider. Sila ay napili base sa kanilang posisyon sa organisasyon, 

impluwensya sa sektor na kanilang kinabibilangan at iba pang pamumunong kanilang ginagampanan. 

Kinikilala ng Global FWN100 Award ang mga lider na may FWN 2020 Vision: isang lider na Pilipina sa bawat sektor ng tinatawag na “global economy” pagdating ng 2020. Ang awardees ay makikibahagi sa self-reinvention, paying-it-forward, at femtoring na Filipina Leadership Global Summit sa August 21-24, 2016 sa Shangri-La Mactan sa Cebu. 

Ayon sa founder at CEO ng FWN na si Marily Mondejar, sina Cory Vidanes and Malou Santos ay kaagapay ng FWN sa pagbuo ng marami pang lider na Pilipina.