PARIS (AP) – Ipinagbawal ng French resort ng Cannes ang mga swimsuit ng mga Muslim na tinatakpan ang buong katawan at ulo sa mga baybayin nito, dahil sa seguridad.
Ipinatupad ang pagbabawal sa mga tinatawag na “burkini” sa vacation season sa French Riviera kasunod ng madugong pag-atake sa katabing Nice at sa isang simbahang Katoliko sa hilagang kanluran ng France.
Naglabas si Cannes Mayor David Lisnard ng ordinansa na nagbabawal sa beachwear na hindi iginagalang ang “good morals and secularism,” idiniin na ang swimwear ay nagpapakita ng “religious affiliation in an ostentatious way, while France and its religious sites are currently the target of terrorist attacks, could create risks of trouble to public order.”
Ang mga lalabag ay magmumulta ng 38 euro ($42).