Nagtala ng 12 puntos si reigning MVP Marck Espejo habang nagdagdag ng 11 puntos si rookie Paul Koyfman upang pangunahan ang defending champion Ateneo sa pag-angkin ng ikatlong sunod na panalo matapos walisin ang National College of Bussiness and Arts, 25-20, 25-16, 28-26 kahapon sa Spiker’s Turf Collegiate Conference sa Philsports Arena sa Pasig City

Pinatatag ng nasabing panalo ang pagkakaluklok ng Blue Eagles sa kanilang pamumuno sa Group B habang ipinalasap naman nila sa Jaguars ang ikatlong sunod na kabiguan.

Kapwa nagtapos na may tig-walong puntos para sa NCBA sina Jason Canlas at Ferdan Guanzon.

Dominado ng Blue Eagles ang opensa sa kabuuan ng laro matapos magtala ng kabuuang 39 hits kumpara sa 23 lamang ng Jaguaes gayundin ng 6 na aces kumpara sa apat lamang ng kalaban. - Marivic Awitan

Goodbye PBA? John Amores, tinanggalan na ng professional license!