RIO DE JANEIRO (AP) — Tinaguriang “Six Feet of Sunshine” si Kerri Walsh Jennings. Ngunit, sa Rio, patuloy ang pagningning ng American beach volleyball sweetheart maging sa dilim ng gabi.

Umusad sa quarterfinals ang three-time gold medalist at kasanggang si April Ross matapos gapiin ang karibal na Italian, 21-10, 21-16, sa loob lamang ng 35 minuto.

Ito ang ikatlo sa apat na laro ng Americans na isinagawa sa kalaliman ng gabi rito para maipalabas ng live ang laro sa US television.

Sakaling makausad sa finals, muli silang sasabak sa ganap na 12:00 ng madaling araw sa Rio.

'Pikon daw?' UAAP fan na nag-dirty finger, agaw-eksena sa San Juan Arena!

“We know that we wanted to get used to the midnight matches because that’s when the later (round) matches are,” pahayag ni Walsh Jennings.

Nakuha ni Walsh Jennings ang alias dahil sa kahusayan sa sports na nilalaro sa ilalim ng sikat ng araw.

Nabuo ang tambalan nina Walsh Jennings at Ross sa London Games matapos makuha ng American na katambal si Misty May-Treanor ang gintong medalya. Nagretiro na si May-Treanor.