Aiza at Liza GAYA ng inaasahan, may natuwa at may mga basher ang pagkaka-appoint ng gobyerno ni President Rodrigo Duterte sa mag-asawang Aiza Diño Seguerra at Liza Diño-Seguerra sa kani-kanyang posisyon sa gobyerno. Dahil ito sa aktibong pangangampanya ng dalawa para kay Pres. Duterte noong nakaraang eleksiyon.

Noong Biyernes in-announce ang pagkaka-appoint kay Aiza bilang chair ng National Youth Commission na tatagal ng tatlong taon. Ibang posisyon ito sa hinawakan ni Dingdong Dantes, commissioner-at-large -- na binitiwan niya before elections para  makapangampanya siya kay VP Leni Robredo.

Si Liza naman ay in-appoint na chair ng Film Development Council of the Philippines at three years din ang term niya. Si Cristine Dayrit ang papalitan ni Liza sa nasabing posisyon.

Sa interview ni Nelson Canlas ng GMA News, nabanggit ni Aiza na ang pagiging member niya ng LGBT community ay puwedeng magdala ng “new blood” sa posisyon na ibinigay sa kanya. Magpu-focus daw siya “on giving a voice to the marginalized sectors of the youth.”

Mga Pagdiriwang

ALAMIN: 10 bansang hindi nagdiriwang ng Pasko

Naibahagi ni Aiza na may ibang posisyon na in-offer sa kanya, pero naniniwala siyang mas marami siyang magagawa para sa kabataan. Alam ni Aiza na ang nangungunang problema ng mga kabataan ngayon ay drugs, HIV, and lack of good education na pagtutuunan niya ng pansin.

Makikipag-meeting si Aiza kay Dingdong para mas malaman ang problema ng mga kabataan.

Si Liza naman, susundin ang idea ni Pres. Duterte na decentralization at ang unang agenda niya ay “to decentralize” at mag-focus sa regional talents.  

May nag-suggest na kumuha muna ng civil service exam sina Aiza at Liza bago bigyan ng government position. Pero parang hindi kumuha ng civil service exam sina Dingdong at Cristine nang sila’y i-appoint ni former President Noynoy Aquino sa iniwan nilang posisyon.

Mabuti at may nagpaliwanag na hindi required ang civil service exam sa posisyon nina Aiza at Liza na temporary lang ang posisyon at trabaho nila dahil appointed lang sila ng elected official. Kapag hindi nila nagampanan ng tama at mahusay ang kanilang trabaho, puwede silang tanggalin.

Hayan, malinaw ‘yan! —Nitz Miralles