LAUR, Nueva Ecija - Umaapela kay Pangulong Rodrigo Duterte ang mahigit 100 magsasaka sa Laur na hindi na makapagtanim sa mga dati nilang sinasaka na sakop na umano ngayon ng military reservation sa Fort Magsaysay, na tahanan ng 7th Infantry Division ng Philippine Army.

Nabatid kay Army Maj. Alexander Daus na simula pa noong 2015 ay binakuran na ng mga sundalo ang mga bukirin sa may pitong barangay kaya napaalis ang mga magsasaka .

Kabilang sa mga naapektuhan ang mga magsasaka mula sa mga barangay ng Canantong, San Juan, at San Felipe na dati ay umaani ng hanggang 10,000 kaban ng palay.

Idinagdag pa ni Carlito Gappi, barangay chairman, na noong Hunyo pa sila lumiham sa pamunuan ng 7ID para payagang makapagtanim ang may 60 kabarangay sa mga dating sinasaka, subalit hanggang ngayon ay wala pa ring tugon sa kanila. (Light A. Nolasco)

Probinsya

64-anyos, natagpuang patay sa dalampasigan sa Samar