TALAVERA, Nueva Ecija – Napabilang ang 10 mayor at vice mayor sa Central Luzon sa ikalawang listahan ng mga opisyal na umano’y protektor ng ilegal na droga sa bansa.

Ito ang kinumpirma ni Police Regional Office (PRO)-3 Chief Supt. Aaron Aquino sa mass oathtaking ng nasa 1,200 sumuko sa Oplan Tokhang ng pulisya, na idinaos sa Talavera National High School Gym sa Barangay Pag-asa.

Tumanggi si Aquino na pangalanan ang nasabing mga opisyal sa listahan na isinumite na kay Philippine National Police (PNP) Chief Director Gen. Ronald “Bato” Dela Rosa habang nagpapatuloy ang tatlong linggong validation.

Sinabi ni Aquino na bukod pa ito sa listahan na unang isiniwalat ni Pangulong Duterte, na nabanggit ang alkalde ng San Rafael sa Bulacan at Mabalacat sa Pampanga.

Probinsya

OFW na hinoldap, inundayan ng saksak sa terminal sa Maynila, nakauwi na ba sa pamilya?

Sa okasyong inorganisa nina Talavera Mayor Nerivi Santos-Martinez at Talavera Police Chief Supt. Leandro Novilla, binanggit ni Aquino na mahigit 100 pulis sa rehiyon ang naipalipat na sa Mindanao at may 100 iba pa ang kailangang mareporma. (Light A. Nolasco)