Mga Laro sa Martes

(Strike Gym, Bacoor, Cavite)

4 n.h. -- Cafe France vs Phoenix

6 n.g. -- Racal vs Tanduay

Goodbye PBA? John Amores, tinanggalan na ng professional license!

Kapwa naitakas ng dehadong Café France at Tanduay ang makapigil-hiningang panalo para maipuwersa ang do-or-die laban sa kani-kanilang karibal sa crossover semifinal match-up sa PBA D-League Foundation Cup nitong Huwebes sa Strike Gym sa Bacoor, Cavite.

Ginapi ng Café France ang Phoenix, 78-68, habang naungusan ng Tanduay ang Racal, 88-86. Tangan ng Accelerators at Tiles Master ang twice-to-beat advantage bilang No.1 at No.2 squad sa Final Four.

Namuno para sa Bakers si Congoless big man Rod Ebondo na nagposte 19 puntos, 18 rebound at dalawang block shot.

"Good defense. The boys wanted to win more than Phoenix. Gusto pa nila ng isang laro and everybody stepped up," ayon kay Bakers coach Egay Macaraya.

Humabol ang Bakers mula sa 34-42 pagkakaiwan sa second half hanggang sa makalamang ng 12 puntos, 78-66.

Pinangunahan ni Mac Belo ang Phoenix sa itinala nitong 23 puntos at 11 rebound.

Nanguna si Gelo Alolino sa Tanduay sa natipang 26 puntos,apat na rebound at apat na assist.

Iskor:

(Unang laro)

Café France (78) - Ebondo 19, Cruz 17, Jeruta 13, Abundo 10, Zamar 7, Casino 4, De Leon 4, Manlangit 2, Parala 2, Custodio 0, Opiso 0.

Phoenix (68) - Belo 23, Tolomia 20, Daquioag 10, Pogoy 7, Andrada 2, Escoto 2, Inigo 2, Jamito 2, Batino 0, Colina 0, Knuttel 0, Mendoza 0, Tamsi 0.

Quarterscores

: 12-16, 29-34, 55-52, 78-68.

(Ikalawang laro)

Tanduay (88) - Alolino 26, Celda 15, Ferrer 13, Mendoza 10, Eguilos 8, Belencion 6, Acuna 4, javillonar 4, Santos 2, Gotladera 0, Javelona 0, Lingganay 0, Stevens 0, Tagarda 0.

Racal (86) - Grey 21, Banal 12, Ortuoste 11, paniamogan 9, Celiz 8, Cabrera 5, Corpuz 5, Maiquez 5, Robles 4, Terso 4, Gabawan 2, Ambulodto 0, Javier 0, Neypes 0.

Quarterscores:

22-22; 55-43; 72-63; 88-86. (Marivic Awitan)