DAGUPAN CITY, Pangasinan – Isang barangay kagawad ang binaril at napatay habang nagmamaneho ng kanyang tricycle sa Barangay Guerrero sa Dingras, Ilocos Norte.

Kinilala ng Police Regional Office (PRO)-1 ang biktimang si Abelardo Carbonel, 46, ng Bgy. Foz, Dingras.

Nabatid sa ulat ng Dingras Police na dakong 1:45 ng hapon nitong Huwebes nang mangyari ang pamamaril, at pinaniniwalaang alitan sa lupa ang motibo sa krimen. (Liezle Basa Iñigo)

Probinsya

Batang nabitawan ng ina matapos silang sumemplang sa motor, patay sa bangga ng bus!