ANG mensahe ng ebanghelyo ngayong ika-20 Linggo ay palaisipan. Isa sa mga parte ng Banal na Kasulatan, ipinangako ni Jesus ang kapayapaan: “I leave you peace, my peace I give to you.”

Ngunit sa Luke 12:51 ng ebanghelyo ngayong Linggo, sinabi niya na, “I have come to bring not peace but division.” Hindi ba ito nakakalito?

Hindi, walang nakakalito rito. Ang pangunahing itinuturo ni Jesus ay ang pagmamahal, pagkakaisa, at kapayapaan.

Nais iparating ng Diyos na ang kapayapaan sa piling ng Panginoon ay hindi tumatanggap ng kompormiso mula sa demonyo o nagpapamihasa sa maling gawain.

“A family will be divided: fathers against their sons, mothers against daughters...” (Lk 12:52).

Ang mensaheng ito ay naglalarawan sa kuwento ni Thomas More (1477-1535) na ang buhay ay ipinagdiwang sa pelikula ni Robert Bolt na “A Man for All Seasons.”

Isang matapat na tao at matalinong abogado, itinalaga ni King Henry VIII si Thomas bilang High Chancellor ng England. Sa krusyal na sitwasyon, kinailangang mamili ni Thomas sa pagitan ng pagkakaibigan at katapatan sa hari o ang kanyang pananalig at konsensya.

Mas pinili ni Thomas ang huli at tinalikuran ang malalim na pakikipagkaibigan kay Anne Boleyn at tinanggihan na kilalanin siya bilang supreme head ng Simbahan sa England.

Taong 1535, matapos tanggihan maging ang sarili niyang pamilya, na kinokonsidera niyang labag sa pagnanais ng Diyos, pinugutan siya sa Tower of London at sinabing, “I die the king’s good servant, but God’s first.”

May mga sitwasyon, hindi man katindi ng kay Thomas, na tayo mismo ay kailangan natin labanan ang kasamaan kahit na makalaban pa natin ang mas nakatataas sa atin, an gating amo, o an gating pamilya.

Nakatutuwang isipin na ang ating mga kababayan, kilala bilang “whistle-blowers,” ay may sapat na lakas ng loob na lumantad.

Halimbawa, isang matapang na babaeng accountant sa isang kumpanya ang nagsumbong sa department head tungkol sa mga anomalya ng ilang matataas na opisyal na, matapos ang imbestigasyon, napatunayang guilty kayat agad sinibak sa puwesto ang mga ito.

Binabati naming ang ilang concerned group gaya ng Volunteers Against Crime and Corruption (VACC) para sa kanilang pakikipaglaban sa anomalya at karahasan.

Ipagdasal natin na bigyan tayo ng Diyos ng sapat na tapang at lakas upang maging kagaya ni propeta Jeremiah na, sa unang pagbasa ngayong Linggo, ay nakipaglaban kay King Zedekiah. (Fr. Bel San Luis, SVD)