CAMARINES NORTE – Isang estudyante sa Grade 9 ang pinaniniwalaang ginahasa bago pinagtataga hanggang sa mamatay sa isang liblib na niyugan malapit sa kanyang paaralan sa bayan ng Capalonga, dakong 5:00 ng hapon nitong Huwebes.

Ang biktima ay si Aivy Menio Camora, 17, estudyante sa Grade 9 sa Delia Diezmo National High School, at residente ng Barangay Mactang Bayan, Capalonga.

Ayon kay Senior Supt. Harris Fama, director ng Camarines Norte Police Provincial Office, wala nang buhay nang matagpuan ang nakasuot pa ng uniporme na si Camora na maraming taga sa katawan at pinutulan pa ng isang kamay. (Ruel Saldico)

Probinsya

64-anyos, natagpuang patay sa dalampasigan sa Samar