Pinakilos ni Department of Public Works and Highways Secretary Mark Villar nang 24/7 ang konstruksiyon ng mga pangunahing proyekto sa Metro Manila at iba pang lungsod sa bansa.
“Our vision is to make our communities livable and safe through quality projects that are accessible, and on-schedule,” wika ni Villar.
Ayon kay Villar, sa Metro Manila, apat na mga proyekto ang ginagawa ngayon nang 24/7 – ang Mandaluyong Main Drainage Project, pagpapalapad ng kalsada at pagpapabuti sa mga drainage ng Quezon Avenue East Bound at Mother Ignacia Avenue, at ang pagpapabuti ng mga drainage sa EDSA mula White Plains hanggang Main Avenue.
Puspusan din ang pagtatrabaho ng DPWH para sa mga high-impact projects sa mga lugar na may mataas na populasyon sa Visayas at Mindanao. (Mina Navarro)