Ipinagmalaki kahapon ng Philippine National Police (PNP) na bumaba ng 50 porsiyento ang crime rate sa buong bansa.

Sa kanyang pagdalo sa 115th Police Service Anniversary ng Police Regional Office (PRO-12) sa General Santos City, sinabi ni PNP chief Director General Ronald Dela Rosa, na bumaba ng mahigit sa 50% ang bilang ng mga krimen simula nang siya ay umupo bilang hepe ng pulisya.

Idiin niya na ito ang pinakamababang crime rate na naitala sa kasaysayan ng bansa.

Pinasalamatan at pinuri ng PNP chief ang masigasig na pagpapatupad ng kapulisan sa Rehiyon-12 sa Project “Double Barrel” laban sa iligal na droga. (Fer Taboy)

Tsika at Intriga

'Mga waste dapat pina-flush sa CR!' Toni Gonzaga, unbothered sa 'power couple' blind item