Hiniling sa pulisya na masusing imbestigahan ang pagpatay sa isang mamamahayag, na sinagasaan ng isang hindi nakilalang suspek sa Cotabato City, nitong Huwebes ng gabi.

Sa imbestigasyon ng Cotabato City Police Office (CCPO), dakong 9:20 ng gabi at pauwi na sakay sa kanyang motorsiklo si Datu Abel Mastura, announcer ng DXCM Radyo Ukay-Central Mindanao, nang mabundol ito ng hindi pa tukoy na sasakyan.

Ayon sa misis ng biktima na si Bai Tayan Mastura, tumakas ang driver na nakabundol sa kanyang asawa, na hindi na umabot nang buhay sa Cotabato Regional and Medical Center (CRMC).

Bumuhos ang pakikiramay sa pamilya Mastura, habang patuloy naman ang imbestigasyon ng pulisya upang matukoy at mahuli ang suspek. (Fer Taboy)

Probinsya

64-anyos, natagpuang patay sa dalampasigan sa Samar