Negatibong imahe ang maiiwan sa pamilya ng isang barangay executive officer na tinambangan at pinagbabaril ng mga vigilante dahil sa pagkakasangkot umano nito sa ilegal na droga, sa Caloocan City.
Dead on arrival sa Pagamutang Bayan ng Malabon si Rolando Relebante, 56, Ex-O ng Barangay 8, residente ng Block 5, Tupda Village ng nasabing lungsod, sanhi ng mga tama ng cal. 45 sa iba’t ibang bahagi ng katawan.
Ayon sa report nina PO3 Noel Bellosa at PO1 Aldrin Mattew, dakong 10:47 ng gabi ng nangyari ang pamamaril sa tapat ng barangay hall sa Sugpo St., Bgy. 8, Caloocan City.
Bigla umanong sumulpot ang dalawang lalaki at walang habas na pinagbabaril ang biktima.
Lumalabas na protektor umano ng ilegal na droga si Relebante, bagay na itinanggi naman ng kanyang mga kaanak.
(Orly L. Barcala)