Pansamantalang makalalaya ang apat na miyembro ng National Democratic Front (NDF) matapos silang payagang makapagpiyansa ng Manila Regional Trial Court (RTC) Branch 32 upang makibahagi sa idaraos na peace talks sa Oslo, Norway sa Agosto 20.

Nabatid na pinagbigyan ni Presiding Judge Thelma Bunye-Medina si Rafael Baylosis na makapaglagak ng P150,000 piyansa, habang tig-P100,000 naman ang piyansang itinakda para sa mag-asawang Wilma at Benito Tiamzon, gayundin kay Adel Silva.

Kasabay nito, binasahan na rin ng sakdal si Baylosis kaugnay ng multiple murder na kinakaharap nito, na may kinalaman sa mass grave na natagpuan sa Leyte noong 2006.

Tumanggi namang magpasok ng plea si Baylosis dahil sa nakabimbin niyang petisyon sa Court of Appeals (CA) kaya ang korte na ang nagpasok ng “not guilty plea” para sa kanya.

National

Kung may sama ng loob? Usec. Claire Castro, 'open' makipag-usap kay Leviste sa labas ng Korte

Una nang ipinag-utos ng Supreme Court (SC) ang pagbawi sa cash bond na ipinagkaloob dito ng RTC dahil sa hindi nito pagsipot sa mga pagdinig.

Ipinaliwanag naman ni Atty. Rachel Pastores, abogado ni Baylosis, na takot para sa kanyang buhay ang dahilan kung bakit hindi dumadalo sa mga hearing ang kanyang kliyente. (Mary Ann Santiago)