BANGUI (AP) — Labindalawang katao na ang namatay sa cholera outbreak sa Central African Republic ngayong Agosto.
Sinabi ni Fernande Ndjengbot, Minister of Health and Public Hygiene, nitong Huwebes na 19 na kaso ang naitala, at walo sa mga ito ang namatay kung saan unang lumutang ang cholera sa Ndjoukou, may 300 kilometro ang layo mula sa timog silangan ng Bangui.
Tumulong na ang U.N. Children’s Agency sa water purification para magkaroon ng ligtas na inuming tubig ang mga tao gayundin ang ibang non-governmental organizations.
Ang cholera ay isang gastrointestinal disease na kadalasang naikakalat sa pamamagitan ng kontaminadong tubig at pagkain. Maaari itong magdulot ng sobrang pagtatae na sa ibang malubhang kaso ay posibleng mauwi sa matinding dehydration at kidney failure na maaaring ikamatay sa loob lamang ng ilang oras.