BATANGAS CITY - Dalawang kapwa kabilang sa drug watchlist ng pulisya ang binaril at napatay sa magkahiwalay na lugar sa Batangas City.

Ayon sa report mula sa Batangas Police Provincial Office, dakong 11:45 ng umaga nitong Huwebes nang pagbabarilin ng isa sa riding-in-tandem ang porter na si Fernando Gambol, 50, habang nakaupo ang huli sa tindahan sa Barangay Simlong.

Dakong 9:25 ng gabi naman nang pasukin sa bahay at barilin ng tatlong lalaking nakasuot ng bonnet ang helper na si Ryan Ednaco, 27, habang natutulog ito. (Lyka Manalo)

Probinsya

Sabunutan ng ilang LGBTQIA+ members at isang babae, sumiklab sa kasagsagan ng Simbang Gabi