Ang Ultimate Fighting Cock Championships (UFCC) ay nangangako ng mas malaki at mas matitinding labanan ng mga batang tinale para sa parating na stag season, habang ang tinaguriang paligsahan “kung saan ang magagagaling at matatapang na mananabong ay lumalaban” ay gagawin sa iba-ibang sabungan sa Pilipinas sa unang pagkakataon.

Ang 2016 UFCC Stagwars, na itinataguyod ng Thunderbird Bexan XP , Resorts World – Manila at Solaire Resorts & Casino, ay gaganapin sa apat na magkakaibang sabungan sa layunin na mas mailapit ang mga tinaguriang mga “idolo” ng sabong sa masang-sabungero.

Ang Las Piñas Coliseum sa Zapote, Las Piñas City na may bagong parking building ang magiging lugar ng labanan para sa lahat ng one-day 6-stag derby sa Septyembre 10, 17, 24; Oktubre 1, 8, 15 at 22.

Gagawin naman ang unang out-of-town na labanan ng UFCC sa San Pablo City, partikular sa Lucky Sports Complex sa Oktubre 29.

Another gold! Hidilyn Diaz, isa nang guro sa UP Diliman

Pagdating ng Nobyembre, lilipat ang bakbakan sa Ynares Sports Center sa Nobyembre 5, 8, 12 at 15.

Ang La Loma Cockpit na pinakalumang aktibong sabungan sa Pilipinas magmula pa noong 1901 ang magbibigay-pugay sa mga kasapi ng UFCC sa isang 6-stag derby na nakatakda sa Nobyembre 16. Balik sa Ynares ang labanan sa Nobyembre 24 & 26.

Ang huling 6-stag ay sa Lucky Sports Complex sa San Pablo City sa Nobyembre 29, samantalang magtatapos ang 2016 UFCC Stagwars sa nag-iisang 7-stag derby na gagawin sa Ynares Sports Center sa Disyembre 3.

Ang entry fee sa lahat ng labanan ay P55,000, samantalang P33,000 naman ang minimum bet.

Si 2016 World Slasher Cup champion Engr. Sonny Lagon (Blue Blade Farm) na nagbulsa ng 2015-2016 UFCC Cocker of the Year title ang isa sa mga liyamado sa laban, subalit makakaasa siya ng mahigpit na hamon mula kay Gov. Claude Baustista na nasungkit naman ang NCA International Derby.