Agosto 12, 1990 nang aksidenteng makita ng baguhang paleontologist na si Susan Hendrickson ang pinakamalaking Tyrannosaurus rex skeleton, habang naghuhukay malapit sa Faith, South Dakota. Tatlong buto ang lumabas mula sa bangin. Ang dinosaur, na namuhay ng halos 65 milyong taon na ang nakalilipas, ay tinawag na “Sue.”
Si Hendrickson, kasama si Peter Larson at iba pa, ay 17 araw na naghukay upang makita ang kalansay.
Ang fossilized skeleton, na maayos na napreserba, ay halos 90 porsiyentong buo pa.
Ito ay nabalot ng putik at tubig, at may habang 12.3 metro at 4.3 metro ang haba ng beywang.
Binayaran ng Black Hills Institute of Geological Research, na naging kumpanya ni Hendrickson, ang may-ari ng lupa para sa paghuhukay.