BANGKOK (AFP) – Apat katao ang namatay sa walong pagsabog sa iba’t ibang lugar sa Thailand sa loob ng 24 na oras, sa resort town ng Hua Hin at sa mga lalawigan sa katimogan, sinabi ng mga awtoridad kahapon.

“Twin bombs at the clock tower killed one and injured three,” sabi ni Hua Hin district chief Sutthipong Klai-udom, na ang tinutukoy ay ang dalawang bagong pagsabog sa bayan nitong Biyernes kasunod ng dalawang pagpasabog noong Huwebes ng gabi.

Bukod sa apat na pagsabog sa Hua Hin, dalawa pang pagsabog ang naganap sa tourist island ng Phuket nitong Biyernes, isa sa island gateway town ng Surat Thani, at isa sa timog ng Trang noong Huwebes, sinabi ng mga opisyal.

Patuloy ang imbestigasyon ng pulisya at hindi pa batid ang motibo o ang pagkakakilanlan ng mga salarin.

Internasyonal

Mga motorista sa China, ‘naulanan’ ng dumi ng tao mula sa isang sumabog na pipeline