PEÑARANDA, Nueva Ecija - Nasukol ng pinagsanib na puwersa ng Bucot Patrol Base-PPSC at 3rd IB Alpha Coy ng Philippine Army ang isang 28-anyos na sentensiyado sa pagpatay sa ikinasang manhunt operation ng pulisya sa Barangay Sto. Tomas sa bayang ito, nitong Martes ng hapon.

Kinilala ni Senior Insp. Wilson Kimmayong, hepe ng Peñaranda Police, ang nasakoteng wanted na si Jocher Laminato y Gadong, alyas “Badis”, binata, ng Purok 1, Bgy. Gen. Natividad, na nadakip dakong 5:40 ng hapon nitong Miyerkules.

Setyembre 5, 2014 pa nahatulan si Laminato sa multiple homicide, less serious physical injuries at damaged to property at sinentensiyahang mapiit ng anim na taon at apat na buwan. (Light A. Nolasco)
Probinsya

64-anyos, natagpuang patay sa dalampasigan sa Samar