Si Aaron at kanyang kagrupo kasama ang mga bata ng Bgy. Sinalhan copy

Dahil sa lumulubhang kalagayan ng Laguna Lake, iminungkahi ng mga kalahok sa 4th Asian Youth Forum ang isang proyekto para mailigtas ito.

Napag-alaman na ang isa sa mga dahilan ng pagrumi ng Laguna Lake ay ang kawalan ng palikuran ng mga nakatira sa paligid nito.

Sa kanilang isinagawang immersion sa Bgy. Sinalhan sa Sta. Rosa, Laguna, nabatid ng kabataan na 20 porsiyento ng mga nakatira sa paligid ng Laguna Lake ay walang palikuran.

Mga Pagdiriwang

ALAMIN: 10 bansang hindi nagdiriwang ng Pasko

Bunsod nito, nagbabayad sila sa mga tahanan na may palikuran para makagamit at kung minsan naman, ang nakalulungkot, ginagawa nilang palikuran ang panpang ng Laguna Lake.

Kaya naisip ng grupo ni Aaron Paul Lopez, 20, mula sa Polytechnic University of the Philippines-Sta. Rosa, na kalahok sa nasabing forum ang proyektong WASH o Water and Sanitation House.

Sa proyektong WASH, nais nilang magtayo ng isang sanitation house na magsisilbing pampublikong palikuran partikular sa mga komunidad sa paligid ng Laguna Lake.

“Magkakaroon ng rain water collector ‘yung bubong ng sanitation house para ma-recycle ‘yung water at hindi makapag-aksaya ng tubig,” paliwanag ni Lopez.

“May mga law na para ma-protect ang Laguna Lake pati sa clean water at ang sanitation. Pero kulang pa ng law enforcement. Kaya we hope makatulong ito,” aniya.

Makikipagtulungan ang grupo ni Lopez sa lokal na pamahalaan ng Laguna at pribadong sektor para maisakatuparan ang proyekto.

Nakaangkla rin ang proyekto sa Sustainable Development Goal No. 6 (SDG) na malinis na tubig at sanitasyon para sa malinis na tubig na iinumin sa taong 2030. (AIRAMAE GUERRERO)

[gallery ids="187463,187464,187465"]