VATICAN CITY (Reuters) – Ipinaghanda ni Pope Francis ng tanghalian ang 21 Syrian refugees noong Huwebes sa kanyang tirahan, kung saan ibinigay sa kanya ng mga bata ang kanilang mga iginuhit na larawan ng digmaan at madamdaming pagtawid sa dagat.
Naantig ang puso ng papa sa guhit ng isang batang lalaki ng isang bata na lumalangoy sa dagat ng dugo at narating sa dulo ang asul na dagat, batay sa video na inilabas ng Vatican. Isang guhit ang nagpapakita ng nagbabarilang tangke at stick figures habang ang isa ay nagpapakita sa dalawang bata na magkahawak-kamay na tumatakbo palayo sa panganib.
Ginanap ang tanghalian sa Santa Marta residence, ang guest house sa loob ng Vatican na piniling tirhan ng papa sa halip na sa malawak na papal apartments na ginamit ng kanyang mga sinundan sa Apostolic Palace.