Pinayuhan ni Senate Minority Leader Ralph Recto si Pangulong Rodrigo Duterte na pinuhin at iwasto ang kanyang pananalita dahil malaki ang magiging epekto ng anumang nanggagaling sa kanyang bibig dahil siya na ang ama ng bansa.

Ang pahayag ni Recto ay bunga na rin ng mga pananalita ng Pangulo na nagreresulta ng iba’t ibang pananaw.

“Words can move a nation, incite people, disturb the peace, and make the political temperature. So people wielding large bullhorns should exercise caution in what they say,” ani Recto.

Kasabay nito, sinabi rin ni Recto na dapat matuto na ang sambayanan sa magkakaibang interpretasyon ni Pangulong Duterte.

National

50.78% examinees, pasado sa Nov. 2024 Licensure Exam for Agriculturists

“Makulay ang kanyang pananalita. May halong pangungutya. ‘Yung pang-aasar ay parte ng kanyang stagecraft. Hiwalay ito sa state policies he is pursuing,” dagdag pa ni Recto. (Leonel M. Abasola)