LASAM, Cagayan - Napatay ng isang ama ang sarili niyang anak na pinaniniwalaang inatake ng sakit sa pag-iisip makaraan siyang dumepensa rito nang sugurin siya ng taga sa Barangay Minanga Sur sa bayang ito.

Gayunman, sa pagdedepensa ni Virgilio Gabling Aguinaldo, 78, sa kanyang sarili ay nahataw niya ng martilyo sa ulo ang anak na si Peter Balbuena, 40, binata, kapwa residente sa nabanggit na lugar.

Tanghali nitong Miyerkules nang dumating si Aguinaldo galing sa bukid, at sinalubong siya ng anak ng taga ngunit nakaiwas at napahiga ang matanda.

Ayon kay PO3 Walter Balisi, bago pa maundayan ng taga ng biktima ang ama ay minartilyo na ito sa ulo ni Aguinaldo na agad nitong ikinamatay. (Liezle Basa Iñigo)

Probinsya

64-anyos, natagpuang patay sa dalampasigan sa Samar