CAMILING, Tarlac – Isang lalaking sakay sa motorsiklo ang nasawi matapos makasalpukan ang isang Isuzu transit concrete mixer truck sa Romulo Highway sa Barangay Surgui 3rd, Camiling, Tarlac.

Grabeng sugat sa iba’t ibang bahagi ng katawan ang tinamo ni Noli Villegas, 18, driver ng Dio motorcycle na walang plaka, ng Kipping Village, Bgy. Cacamilingan Norte, Camiling, Tarlac.

Nakabanggaan ng motorsiklo ni Villegas ang truck (UPL-972) na minamaneho ni Celedonio Romero, Jr., 51, ng Bgy. San Agustin, Gerona. (Leandro Alborote)

Probinsya

₱7M halaga ng isda, ninakaw at kinatay sa CR!