enteng copy

NAG-STORY conference na ang pelikula ni Vic Sotto na entry sa 2016 Metro Manila Film Festival na may pamagat na Enteng Kabisote and the Abangers. Sa lumabas na group picture na kuha sa storycon, nakita namin sina Direk Marlon Rivera at Direk Tony Y. Reyes na magtutulong sa pamamahala sa pelikula.

Kabilang sa cast sina Jose Manalo, Wally Bayola, Paolo Ballesteros, Ken Chan, Bea Binene, Ryza Cenon, Ryza Mae Dizon, Epi Quizon, Atak, Kakai Bautista, Alonzo Muhlach, Oyo Sotto at marami pang iba. Abot daw sa 30 ang buong cast ng MMFF entry na sinimulan na ang shooting.

Pare-parehong first time makakasama nina Ken, Ryza at Bea sa pelikula si Vic at pang-MMFF pa, kaya excited ang tatlo.

Human-Interest

Boss, nabanas! Office worker na pumapasok nang maaga, sinibak sa trabaho

At least si Bea, nakatrabaho na si Vic sa comedy show na Vampire Ang Daddy Ko.

Hindi binanggit ni Vic kung sino ang leading lady niya dahil “secret” at “surprise” raw. Naku, sino nga kaya ang makakapareha ni Vic? Pero habang wala pa siyang ina-announce, magpapatuloy ang sitsit na baka si Kris Aquino ang magiging leading lady niya. (Nitz Miralles)