Tiniyak ni Pangulong Rodrigo Duterte na hindi na mauulit sa kanyang administrasyon ang trahedyang nangyari sa Mamasapano, Maguindanao noong Enero 2015.

Ginawa ng Pangulo ang pahayag sa harap ng mga operatiba ng 1st Infantry Division sa Zamboanga del Sur.

Sinabi ng Presidente na ang pagkakapatay sa 44 na tauhan ng Philippine National Police-Special Action Force (PNP-SAF) ay resulta ng kasakiman ng kanilang opisyal na gusto umanong masolo ang $5 million na pabuya sa makakapatay sa teroristang si Zulkifli bin Hir, alyas Marwan.

Ayon kay Pangulong Duterte, kahit alam na delikado at alanganin ang tropa ay ipinilit ng sakim na opisyal ang operasyon dahil sa malaking perang makukuha rito.

Probinsya

64-anyos, natagpuang patay sa dalampasigan sa Samar

Aniya, hindi niya papayagan ang mga ganitong desisyon kaya naman naglaan siya ng kaukulang pondo para sa makabagong equipment ng mga sundalo. (Beth Camia)